^

Probinsiya

Single mom pumalag sa sex, kinatay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Single mom pumalag sa sex, kinatay!
Agad nasawi dahil sa mga malalalim na saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima na si Rosie Bolival, ng Zone-2, Brgy. La Purisima, Bula, Camarines Sur.
STAR/File

Pinasok ng ‘obsessed’ na kapitbahay

BULA, Camarines Sur , Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 33-anyos na single mother matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay nang tumangging makipagtalik sa kanya sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Agad nasawi dahil sa mga malalalim na saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima na si Rosie Bolival, ng Zone-2, Brgy. La Purisima, Bula, Camarines Sur.

Arestado at nahaharap naman sa patung-patong na kasong kriminal ang suspek na kinilalang si Alex Baluca Paelma, 42-anyos, may-asawa, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-6:20 ng umaga habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang biglang pumasok ang suspek na armado ng patalim.

Matagal na umanong nahuhumaling at pinagnanasaan ng suspek ang biktima kaya nang hindi nakatiis ay pinasok niya ang babae at pinilit na makipagtalik sa kanya. Gayunman, nanlaban ang biktima dahilan para magalit naman ang suspek kaya inundayan nito ng sunud-sunod na saksak ang nasabing babae na agaran nitong ikinasawi.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with