^

Probinsiya

Investors bumuhos sa NBI-Cordillera, P4 bilyong ‘casino junket scam’ ibinunyag

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Investors bumuhos sa NBI-Cordillera, P4 bilyong âcasino junket scamâ ibinunyag
Tinatayang aabot sa P4-bilyong halaga ng pamuhunan ang tinangay umano ng “Team Z” na nagpapatakbo ng casino junket, sa Baguio City pa lamang, dahil aabot sa 10,000 ang namuhunan sa syudad na kinabibilangan ng mula sa maliliit na mga tao hanggang sa mga propesyonal, mga alagad ng batas at mga negosyante.
Vallery Hache / AFP

BAGUIO CITY, Philippines — Mahigit 60 investors kabilang ang mga “account managers” ang bumuhos at naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation-Cordillera matapos silang mabiktima ng “casino junket investment scheme” sa lungsod na ito.

Tinatayang aabot sa P4-bilyong halaga ng pamuhunan ang tinangay umano ng “Team Z” na nagpapatakbo ng casino junket, sa Baguio City pa lamang, dahil aabot sa 10,000 ang namuhunan sa syudad na kinabibilangan ng mula sa maliliit na mga tao hanggang sa mga propesyonal, mga alagad ng batas at mga negosyante.

Ayon sa isang complainant, hinimok at nakumbinsi sila ng mga Team Z leaders na sina Hector Aldwin Liao Pantollana at kapatid nitong si Hubert Amiel, magkapatid na Hazen at Hein Carreon Humilde, Mikaela Damasco Ty-Choi, Virginio Casupanan at iba pang “core leaders” na patuloy nilang matatanggap ang kanilang 5% buwanang “return of investment” at ka­ragdagang 2% pa sa mga makakakumbinse ng iba pang imbestor sa naturang “casino junket financing scheme” na para umano sa isang casino sa Pa­rañaque City.

Ayon pa sa mga nag­rereklamo, nakatanggap sila ng mga “payouts” sa mga unang buwan subalit kalaunan ay biglang nahinto at napag-alamang ang kanilang pera ay hindi naipapasok sa “casino financing”, subalit tinangay na umano ng grupo na pinamumunuan ni Team Z founder Hazen Humilde.

Isinalaysay pa nila na posibleng dumami pa ang maglilitawang complainant sa mga susunod na araw dahil sila’y nabigyan ng “investment contracts” subalit naka­maskara bilang “contracts of loans” na taliwas sa tunay nilang intensyong mamuhunan subalit napi­litang lumagda sa kontrata upang matanggap nila ang kanilang “payouts.” Ang “Investments” ay may locked-up period umanong 12-buwan.

Ibinahagi pa ng mga biktima na kinokolekta ng Team Z ang mga puhunan sa pamamagitan nina Humilde at Mikaela Ty-Choi at dinadala umano ito kay Hubert Amiel Pantollana gamit ang bulletproof na sasakyan ni Hazen Humilde sa Pampanga at ibibigay sa kanyang kapatid sa isa pang casino sa Pa­rañaque.

Isa pang biktima ang umabot sa P7 milyon ang kabuuang naipuhunan ng kanilang pamilya, na nagmula pa sa kanyang personal savings, retirement pay ng kaniyang ina at mula sa mga miyembro ng pamilya na kanyang nakumbinse na ipuhunan sa Team Z Investment Scheme.

Nitong Marso, nagpa­labas ng Cease and Desist Order ang Securities and Exchange Commission laban kina Pantollana, mga Humildes, Ty-Choi, Team Z, Philippine National Esports League at tinatayang 4-dosenang personalidad na kabilang umano sa “Casino Junket Financing Operation” upang itigil ang kanilang iligal na “Investment Scheme”. 

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with