^

Bansa

Bulakenyo wagi ng P93.6 milyong jackpot sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Instant multi-milyonaryo ang isang Bulakenyo nang palaring mapanalunan ang tumataginting na P93.6 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades “Mel” Robles, matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang 6-digit winning combination ng SuperLotto 6/49 na 42-12-25-05-19-18, na may katumbas na jackpot prize na P93,693,905.40.

Nabili umano ng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Balagtas, Bulacan.

Kaugnay nito, upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan ni Robles ang lucky winner na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Paalala pa ni Robles, ang lahat ng lotto winnings na lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa itinatakda ng TRAIN Law.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with