^

Bansa

Higit 85K kaso ng dengue naitala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 85,692 kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero hanggang Hulyo 22 ngayong taon.

Mas mababa naman umano ito ng 19 porsyento kumpara sa 106,517 kaso sa parehong period noong 2022.

Pinakamaraming naitalang insidente ng kaso ang Region IV-B na may 51 kaso kada 100,000 populasyon mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 22, kasunod ang Cordillera Administrative Region at ikatlo ang Region XI.

Sa nakalipas na 3-4 na linggo (Hunyo 25-Hulyo 8), lahat ng rehiyon maliban sa Regions IV-A, V, IX, XII, Caraga, at NCR ay nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng dengue, ayon sa DOH.

Nagbabala ang DOH sa patuloy na pagtaas ng dengue na nag-­umpisa noong Abril.

May 9,916 impeksyon na naitala mula ­Hunyo 25-Hulyo 8, na 7% pagtaas sa ­sinundang 2 linggo.

Patuloy rin na ipinaalala ng DOH na ang paglaban sa dengue ay nag-uumpisa sa mga tahanan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan, at pagtatanggal sa mga nakatenggang tubig na pinag-iitlugan ng mga lamok.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with