^

PSN Showbiz

Heart hot item sa mga awrahan at rampahan, bongga ang cover sa sosyal na mag sa Singapore!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart hot item sa mga awrahan at rampahan, bongga ang cover sa sosyal na mag sa Singapore!
Heart Evangelista

Cute naman dahil parang buhay na buhay na naman ang paligid.

Pati na nga ang swimming event ni Zia Dantes nasusulat na, pati ‘yung mga ginagawa ni Scarlet Belo na pagsasayaw, news na rin.

Mabuti nga rumampa si Heart Evangelista sa Paris, kahit papaano merong kasosyalan na pinag-usapan.

Talagang dahil maraming activity na nawala sa showbiz, uhaw na uhaw ang marami sa mga balitang lumalabas.

Sana nga marami pang happe­nings para mas exciting naman.

At in fairness ha, ang ganda ni Heart sa rampa niya, sosyal na sosyal. Talagang hindi matalbugan pagdating sa rampa.

Siya yata ang pinakamaraming photos na lumabas sa mga nagpunta sa GMA Ball kaya trending ‘yung suot at hairdo niya.

At bongga dahil pinag-uusapan ang cover niya sa isang sosyal na magazine sa Singapore na lumabas in Chinese raw.

Samantala, nag-sink in ang sadness sa akin nang makita ko ang photos na ipinost ni Salve nung birthday ni Ethel Ramos. Kasi biglang naisip ko, doon sa generation namin, ako at si Ronald Constantino na lang yata ang naiwan. Wala na sina Ricky Lo, Bibsy Carballo at Wyngard Tracy.

Iyon yatang era namin ang pinakamasaya dahil noon ang kainitan ng showbiz.

Ako ang bad girl ng grupo, ang gun moll, at ever since yata ang black sheep ng showbiz.

Talagang ‘yung kagagahan ko hindi na nawala at hanggang ngayon dala-dala ko.

Pero basta meron akong small circle of friends happy na ako, dahil hindi ko rin type na maging isa sa malaking crowd ng mga plastic at intrigerang nagkalat sa showbiz. Maligaya ako na konti lang pero solid ang grupo ko.

Hanggang ngayon, I feel happy sa pagiging part ng showbiz.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with