^

Punto Mo

Zoo sa China, pinaghinalaan na ang oso na nakakulong doon ay isang tao!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINABULAANAN ng Hangzhou Zoo sa Zhejiang Province ang kumakalat na teorya ng mga netizens na hindi totoo ang oso sa kanilang zoo. May haka-haka kasi ang Chinese netizens na tao lamang ito na nakasuot ng bear costume.

Nagsimula ang tsismis na ito matapos kumalat ang video na kuha ng isa sa mga bisita ng naturang zoo. Mapapanood sa video ang sun bear na nakatayo sa kanyang kulungan gamit ang kanyang dalawang hind legs.

Sa paraan ng pagkakatayo ng oso, nahahawig ang posture o tindig nito sa isang tao. Napansin din ng mga netizens na ang bandang puwitan ng oso ay tila nagusot na bahagi ng costume.

Ayon sa deputy director ng Hangzhou Zoo, mara­ming nalito at naghinala na “peke” ang kanilang oso dahil maraming hindi pamilyar sa hitsura ng sun bear. Sanay kasi ang mga zoo goers na black bear ang nakikita sa mga zoo.

Kung ikukumpara ang sun bear sa black bear, mas manipis ang balahibo ng mga sun bear. Bukod dito, maliit at payat ang hugis ng kanilang katawan na may pagkakahawig sa isang tao na nakasuot ng bear costume.

Dagdag pa ng spokesperson ng zoo, sobrang init ngayon sa Zhejiang ­Province. Aabot sa 40 degrees celcius ang temperatura sa zoo kaya imposible na makatagal ang isang tao sa loob ng isang makapal at mabigat na costume.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with