^

Pang Movies

Yves at Gillian, lantaran ang lambingan!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yves at Gillian, lantaran ang lambingan!              
Yves at Gillian

Halos langgamin sa sweetness sina Yves Flores and Gillian Vicencio sa mediacon kahapon ng digital series nilang ReTox 2 Be Continued. Panay ang kanilang bulungan, lambingan nila titigan nang matatamis kaya naman talagang inurirat sila nang husto ng entertainment press kung ano ang estado ng relasyon nila.

Pero panay ang sabi nila na friends lang sila na ayaw naming paniwalaan dahil kapag tinatanong sila about the relationship ay hindi agad sila makasagot at nagti­tingingan muna.

Sabi ni Gillian, “for now po, trabaho po muna, tapos tingnan po natin kung saan po talaga siya papunta. Kasi masaya naman po kami sa…” sey ni Gillian na biglang naputol dahil may binulong sa kanya si Yves.

“Sabi niya po, pwede na raw ba akong ligawan after 2 years nung nagsu-shoot pa kami ng 2 Good (2 Be True),” pagbubuking ni Gillian.

Hirit naman ni Yves, “pabiro ko lang sa kanya ‘yun. Pero kasi, nakaka-1 year na so, may 1 year pa. Let’s see. Joke lang!” sabay-akbay kay Gillian.

Nang matanong kung kahit MU (mutual understanding) ba ay wala, matagal na nag-isip si Gillian na tila hindi alam kung ano ang ibig sabihin nito.

Parang ipinapaliwanag naman ni Yves ito sa kanya nang mahina’t ‘di naririnig ng press.

“Ahhh… walang label pero kami? Gano’n? MU? Gano’n po ba ‘yun?” tanong ni Gillian.

“Siguro naman po meron. Mutual understanding about each other’s fee­lings. Ganu’n,” sabi ni Gillian.

Kinilig ang mga tao sa mediacon habang si Yves naman ay hinihimas ang likod ni Gillian.

Sabi naman ni Yves, kahit daw ‘yung co-stars nila sa 2 Good 2 Be True ay ‘yan din ang tanong sa kanila.

“Lagi akong nako-corner ng mga girls, sina tita Gelli (De Belen), sina Kathryn (Bernardo) ‘ano na, ano na?” ganu’n. Hindi ako sumasagot. Parang naiinis sila sa ‘kin. ‘Bat ako tinatanong n’yo? Si Gillian ang tanungin n’yo,” sey ng aktor.

Nabanggit din ni Gillian na lumalabas din sila ni Yves paminsan-minsan at sey naman ng binata, dumadalaw-dalaw rin siya sa bahay ng ka-loveteam.

Sabi ni Gillian, “kunyari po, may ganap kami. Susunduin n’ya po ako, ihahatid sa bahay.”

Well, kung hindi pa ‘sila’ ang tawag diyan, ewan namin kung mag-ano sila.

Samantala, ang Retox 2 Be Continued ay spin off ng 2 Good 2 Be True series na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Dito isinilang ang loveteam na ReTox (Red and Tox) na talaga namang kinagiliwan at kinakiligan din ng manonood.

Kaya naman naisip ng ABS-CBN na bigyan sila ng sariling series bilang Red and Tox, ang mga karakter nila na minahal natin sa 2 Good 2 Be True.

Nagsimula na kagabi (Aug. 1) ang serye sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at mapapanood ito mula Martes hanggang Biyernes for two weeks (8 episodes).

vuukle comment

YVES FLORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with