^

Punto Mo

Puwede bang ­hilingin na pababain ang ­interes ng inutang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kung masyadong mataas ang interes na sinisingil sa akin, puwede ko bang hilingin na pababain ito lalo na kung wala namang interes na napag-usapan nang ako ay umutang? —Ed

Dear Ed,

Sa ilalim ng Article 1956 ng ating Civil Code ay hindi maaring maningil ng interes kung hindi naman nakasulat ang kasunduan ukol sa pagbabayad nito. Ito rin ang naging desisyon sa kaso ng De la Paz vs. L & J Development Company (G.R. No. 183360, September 8, 2014) kung saan sinabi ng Korte Suprema na bukod sa dapat ay malinaw ang kasunduan na may babayarang interest sa halagang hiniram, dapat rin na nakasulat ang kasunduang ito.

Kaya kung wala kayong napagkasunduan ukol sa interes at walang kahit anong nakasulat tungkol doon ay hindi lamang ito maaring pababain, maari pa itong hindi kikilalanin ng korte sakaling magkademandahan na kayo ukol sa iyong utang.

Hindi naman ibig sabihin ay ligtas na ang may utang sa pagbabayad ng interes. Kung wala talagang napagkasunduan ukol sa interes at nauwi sa demandahan ang paniningil, maaring magpataw ang korte ng legal interest na 6% kada taon hangga’t hindi nababayaran ang halaga.

Lilinawin ko lang para na rin sa ating ibang mga mambabasa na ang kailangang nakasulat ay ukol lamang sa pagbabayad ng interes. Ang kontrata ukol sa mismong utang ay hindi kaila­ngang nakasulat upang ito ay magkabisa kaya kakailanganin pa rin itong bayaran kahit pulos usapan lamang ang basehan ng naging kasunduan.

vuukle comment

DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with