^

Police Metro

Presyo ng Bigas, gulay sumipa

Angie dela Cruz - Pang-masa
Presyo ng Bigas, gulay sumipa
Ayon kay DA spokesman Rex Estoperez, batay sa ginawang price monitoring ng ahensiya sa iba’t ibang pamilihan sa bansa ay may pagtaas na P1.50 hanggang P2 kada kilo ang itinaas sa presyo ng bigas at mga panindang gulay.
Walter Bollozos, file

Dahil sa pananalasa ng bagyong Egay…

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Agriculture (DA) na mayroong pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ng bigas at gulay sa mga pamilihan sa bansa.

Ayon kay DA spokesman Rex Estoperez, batay sa ginawang price monitoring ng ahensiya sa iba’t ibang pamilihan sa bansa ay may pagtaas na P1.50 hanggang P2 kada kilo ang itinaas sa presyo ng bigas at mga panindang gulay.

Hinikayat naman ng DA ang mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon lalo na ngayong may kalamidad ay nagtataas ng sobra ang presyo ng mga bilihin.

Gayunman, sinabi ni Estoperez na magagawa ng National Food Authority (NFA) na mapa­natili ang presyo ng bigas kung may sapat na suplay pero sa ngayon ang NFA inventory ay nananatiling mababa dulot ng pagkabigo na mabili ang bigas ng mga magsasaka dahil sa mababang presyo ang alok ng gobyerno.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with