^

Pang Movies

Paolo, ginagawang punching bag

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Paolo, ginagawang punching bag
Paolo

Awang-awa naman ako kay Paolo Contis. Siya ang punching bag ng grupo nila sa fake o 2nd Bulaga. Kasi nga siya ang pinaka-parang leader ng grupo kaya siya ang tumatanggap ng lahat ng suntok o bashing.

Ok lang basta hindi nakakapikon ang mga salita, pero mas madalas na hindi mo na halos matanggap ang binibitiwan nila against Paolo Contis. Whatever the reason, sige palampasin na lang. Basta gusto niya ang ginagawa niya, masaya siya sa grupo niya, go lang. Eh ano ba kung siya ang sacrificial lamb. Ok lang na taga tanggap siya ng bashing at puna. Trabaho lang, walang personalan.

Sana lang maisip ni Paolo Contis na dahil sa sakripisyo niya sa programa, iyon sanang kikitain niyang TF mapunta sa mabuti. Sana ngayon makabili na siya ng bahay, at maging maayos na ang kanyang buhay.

Sakit sa dibdib ang isa sa nakuha niya dito sa Bulaga, sana bigyan din niya ng bulaga ang buhay niya. Mabili na sana niya ang bahay na matagal na niyang pangarap kung saan puwede niyang dalhin ang mga mahal niya sa buhay. Sige lang, trabaho lang.

Mas matatag pang buhay sana ang kabayaran ng lahat ng bashing na binabato kay Paolo. Salamat na lang at maluwag niyang natatanggap. Siguro nga at nagawang matigas na ang puso niya sa tagal niya sa showbiz, kaya nakakaya niya ang lahat.

Just look up, Paolo Contis, your head high, and stay focus. Be a man of honor, do what you think is right, and move forward. Salute.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with