^

Bansa

P36.82 milyong travel expenses ng NYC, kinuwestiyon ng COA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang P36.82-M halaga na ginamit ng mga opisyal ng National Youth Commission (NYC) sa mga pagbiyahe partikular na sa ibang bansa.

Base sa 2022 audit report ng COA, hindi maipaliwanag ng mga opisyal ng NYC ang malaking gastusin sa mga pagbiyahe sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng sapat na pagpaplano sa iba’t ibang mga aktibidad ng nasabing tanggapan kabilang na dito ang mga dokumento at sablay na pagpoproseso.

Kabilang sa mga ginasta ang P1.28-M pagbabayad sa mga reservation sa mga hotel room para sa summits ng NYC at mga lider ng mga Sangguniang Kabataan sa Boracay, Baguio City, Bohol, Batangas at Ilocos Norte.

Ikinatwiran naman ng NYC na ang mga hotel ­reservation na hindi naman naokupa ay sanhi ng pagpo-positibo ng kanilang mga kinatawan sa COVID-19.

Gayunman, ayon sa COA ay kulang ang mga dokumentong pruweba tulad ng medical records at maging ng mga liham.

Na-flagged din ng COA ang P1.03 milyong sobra-sobrang token na ipinamahagi na hindi tumutugma sa mga nagpartisipa.

Ang kopya ng report ay natanggap na ni NYC Chairperson at Chief Executive Officer Ronald Gian Carlo Cardema noon pang Hunyo 2023.

 

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with