^

Dr. Love

Nasusuklam pa rin

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang misis na hindi mawala ang pagkasuklam sa aking asawa.  Palibhasa, hindi ko naman siya mahal kundi ipinilit lang siya ng aking ama na pakasalan ko.

Okay na sana. Puwede ko naman siyang matutuhang mahalin kung matino siya at hindi nananakit. Pero sa unang taon palang ng aming pagsasama, ipinakita na niya ang paglalasing, pagkasugarol at nananakit pa kapag lasing.

Tatlong taon akong nagtiis sa ugali niya dahil sabi ng tatay ko ay magbabago rin siya. Pinanga-ngaralan siya ng tatay ko pero walang epekto. Hanggang napansin ko ang malaking pagbabago sa kanya.  Hindi na naglalasing at isang araw, humingi ng tawad sa akin at sumumpang magbabago na.

Nakita ko rin na lagi siyang nagbabasa ng biblia. Aktibo sa mga gawain ng mga Catholic chrismatic sa aming lugar. Kinikilala ko naman ang kanyang pagbabago at nagpapasalamat ako sa Diyos. Pero nananatili ang pagkasuklam ko sa kanya. Kahit sa aming pagsisiping, pinagbibigyan ko lang siya pero wala akong kasiyahang nadarama.

Another ang gagawin ko?

Karen

Dear Karen,

Bigyan mo pa siya ng pagkakataong mapatunayan na tunay ang kanyang pagbabago. Ang hapdi ng mga su-gat na idinulot niya sa iyo ay maaaring naririyan pa pero hayaan mo na sanang gumaling. Kung hindi mo gagawin iyan, baka bumalik ang dati niyang ugali.

Kahit hindi mo siya mahal, naririyan na iyan. Kasal ka sa kanya at ang proseso ng annulment ay masalimuot at magastos. Pag-aralan mo na lang siyang mahalin at kung walang mangyayari, roon mo pa lang ikonsidera ang annulment. Try your best muna to make your marriage work, lalo na ngayong bumait na siya.

Binago siya ng Diyos at dapat makibahagi ka sa ginagawang pagbabago sa kanya. Kung magpapatuloy kang manlamig sa kanya at siya ay magbalik sa masamang ugali, pananagutan mo iyan sa Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with