^

Punto Mo

Mga pagbaha, lumalala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATINDI talaga ang kalbaryong dulot ng matindi at matagal na humupa na baha sa maraming lugar sa Central at Northern Luzon at ilang lugar din sa Metro Manila.

Mukhang talagang palala ang mga pagbaha sa maraming lugar.

Aba’y kahit nga yata walang mga bagyo at matinding pag-ulan, konting bagsak lang ng ulan nandyan na ang mataas na baha.

Hindi lang yan, talagang pansin din ang matagal na paghupa ng tubig o nagiging stagnant.

Malamang barado ang mga dinadaluyan, kaya marahil nagtatagal.

May mga dating mataas na lugar, ngayon binabaha na rin.

Ano nangyare?

Hindi lang ang mga residente ang galit na dito, maging ang ilang mambabatas hinahanap na ang mga nagawang proyekto ng national government kontra baha.

Tila nakukulangan ang mga senador, kaya iginiit nila na gumawa ng master plan ang national government para masolusyunan ang problema sa pagbaha.

Aba’y asan nga naman ang nasa P183 billion na pondo para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Tila wala nga namang pagbabago, imbes na masolusyunan talagang palala. 

Ang siste ang marami nating kababayan ang siyang dumaranas ng kalbaryo.

May ilang lugar nga, ilang beses nang hinukay, ilang ulit nang ginawa na lalabanan ang baha, pero wala namang nakitang pagbabago.

Tama lang marahil na ang isipin eh hindi pangmadaliang solusyon, tulad lang ng paglilinis sa mga daluyan ng tubig at konting paghuhukay.

Kung may pondo rin lang, bakit hindi ilarga para sa matagalang solusyon. 

Dapat makaisip ng mga paraan para ito masolusyunan ang problema at kung ‘bubuwit’ lang na proyekto pero ang laki ng inilaang pondo, tapos tayo dyan.

Magiging paulit-ulit na lang ang problemang ito at asahan na lalala pa sa hinaharap.

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with