^

PSN Opinyon

Mga benepisyo ng monggo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMING benepisyo ang monggo sa ating katawan. Walang katotohanan na bawal ito sa arthritis. Puwede itong kainin dahil masustansiyang gulay.

Narito ang mga benepisyo ng monggo:

1. Masustansya ang monggo sa lumalaking bata at sa matatanda rin dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.

2. Bagay sa may diabetes. Maganda sa puso dahil walang cholesterol. Ang fiber ng monggo ay laban sa bad cholesterol.

3. Ang high fiber nito ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas makakapag­bawas ng timbang. Bagay sa nagtitibi at may Irritable Bowel Syndrome (IBS). Maganda sa tiyan at pagtunaw.

4. Puwede kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin, globulin, isoleucin, leucine at valine.

5. Puwede rin sa may sakit sa kidney. Ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.

6. Merong folate o folic acid na dapat kakainin ng nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol.

7. Maraming taglay na iron na nagdadala ng oxygen sa katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.

8. Pampalakas ng immunity o kaligtasan sa sakit.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with