Marian pinagdiinan ang todong pagmamahal kay Dingdong
Simpleng pagbati na sinamahan ng smack sa labi ang ginawa ni Marian Rivera sa kaarawan ng asawang si Dingdong Dantes kahapon, Aug. 2.
Sinundan ni Yan ito ng mensahe para sa asawang todo-todo ang pagmamahal na ipinagmalaki niya sa kanyang Facebook page.
“Cheers to the most amazing husband on his special day! Happy birthday to the one who fill my life with love and happiness.
“I thank GOD every day for sending you in my life, my good-soul partner.
“Here’s to another year of laughter, adventures, and endless love. Mahal kita ng todo. #LoveOfMyLife,” caption ni Yan sa piniling litrato ng asawa.
Marami pang ginawang pagbati si Marian kay Dong at isa rito ang litrato ng kamay ni Marian na may singsing!
Siyempre pa, tuwang-tuwa ang netizens at followers ni Marian na abot hanggang langit ang wagas na pagmamahal sa asawa!
Teka, August-born din si Marian, ‘di ba, Salve A.?
Happy, happy birthday, Dong and Yan!
Bakasyon sa Europe nina Arjo at Maine, may dokumento
Galing sa sariling bulsa ang mangyayaring biyahe ng mag-asawang Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde sa Switzerland, Italy at Greece. Ipinagdiinan ito sa tweet ni Meng upang pabulaanan ang report ng isang broadsheet.
Ang biyahe nila papuntang Locarno (Switzerland) ay dahil kasali ang movie ni Arjo na Topakk.
Nanindigan naman ang broadsheet. May dokumento raw sila galing sa kanilang sources bilang tugon sa bintang ni Maine na fake news ang inilabas nila.
Naku, magsalita rin sana si Cong. Atayde lalo na’t kaugnay sa committee works daw bilang kongresista niya ang biyahe, huh!
- Latest