^

Pang Movies

Maja, inaming nagsinungaling sa unang kasal!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maja, inaming nagsinungaling sa unang kasal!          
Maja at Rambo

May pasabog si Maja Salvador isang araw matapos ganapin ang grandeng wedding nila ni Rambo Nuñez noong July 31 sa Bali, Indonesia.

She revealed na ikinasal na pala sila rito Pilipinas noon pang Feb. 14, 2023 via civil ceremony. “Dapat talaga isang beses lang,” ani Maja sa panayam sa Preview Ph na lumabas noong Aug. 1. “Pero, since pinili namin to have a destination wedding, hindi kasi i-o-honor ng Philippines ‘yung wedding namin sa Bali.”

Ginanap daw ang kanilang intimate civil wedding sa Grand Hyatt Manila na dinaluhan lang ng 60 guests including their family and close friends.

Talaga raw sinabihan nila ang kanilang guests na huwag mag-post sa social media ng naturang kasalan and in fairness, wala naman talagang lumabas na kahit anong larawan or balita about the wedding that time.

Aminado naman si Maja na sa panahon ngayon, mahirap na talagang mailihim ang mga ganitong malaking okasyon. “Lalo na ngayon, digital na sobra. May cellphones and all, and everyone can be the paparazzi,” aniya.

Pinili raw nila ang date na Feb. 14 dahil bukod sa Valentine’s Day, ito rin daw ang kanilang 4th anniversary.

Naglabas din ang naturang online magazine ng mga larawan nina Rambo at Maja sa naturang kasalan kung saan ay makikita ang bride na nakasuot ng white Mark Bumgarner dress during the ceremony habang ang groom naman ay naka­suot ng cream suit.

Kumalat na ito actually pero talagang hindi umaamin si Maja, ngayon lang matapos ang wedding ceremonies sa Bali, Indonesia.

Jolo at Angel, magkakaanak na!

Sunud-sunod ang magagandang balita ngayon sa showbiz. Pagkatapos ng dalawang bonggang kasalan nina Maja & Rambo at Arjo Atayde & Maine Mendoza, heto’t inanunsyo naman ni Jolo Revilla na nagdadalang-tao na ang kanyang misis na si Angelica Alita sa kanilang first baby.

Sa kanyang mga social media accounts kahapon (Aug. 2) na birthday rin ng kanyang wifey ay nag-post si Jolo ng mga larawan nila ni Angel na masayang-masayang hawak ang sonogram ng kanilang baby.

“In God’s perfect time, today we announce our greatest Blessing for Angel’s birthday, we are having a baby! Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal para sa amin, sobrang excited at masayang masaya po kami! Can’t wait for the gender reveal!!! I love you so much asawa ko! Madami pa itong kasunod hehehe,” ang caption ni Jolo.

Sa kanyang Facebook page ay nag-post din ng same photos si Jolo at aniya sa caption, answered prayer ang pagbubuntis ng kanyang misis.

Matatandaang ikinasal sina Jolo at Angel noong 2019 via a garden wedding sa Newport Beach in California, USA.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with