^

Pang Movies

Maine, ayaw tantanan pagkakasal!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maine, ayaw tantanan pagkakasal!         
Maine

Halatang iritado na si Maine Mendoza. Nag-asawa nga lang naman siya ang dami nang nakialam agad. May nagsasabing ang ikinasal daw sa Baguio ay hindi siya kundi isang clone lamang, mayroon namang sinisisi pa sila dahil nagpapakasaya raw sa isang kasalan ganoong ang dami nating mga kababayang naghihirap dahil sa bagyo doon mismo sa Baguio.

Pero mukhang ang talagang nag-init ang ulo niya doon sa sinasabing ngayong tapos na ang kanilang kasal, ang susunod na gagawin nila ay magpunta sa Switzerland, Italy at Greece na bahagi ng official trip ni Arjo Atayde bilang deputy chairman ng House Committee on the creative industry and performing arts. Para nga namang napakasamang tingnan na sinasabing ang kanilang honeymoon ay bahagi ng isang official function na ibig sabihin ay gagastusan ng ating gobyerno.

Kaya naman mabilis ni nili­naw ni Maine, totoo na magtutungo sila sa Locarno Film Festival dahil kasali roon ang isang pelikula ni Arjo sa festival, iyong Topakk, pero wala raw kinalaman ang kanyang pagiging congressman doon, pera nila na magmumula sa kanilang bulsa mismo ang gagastusin nila sa pagpunta roon at hindi manggagaling isang kusing man sa pera ng gobyerno o ng bayan.

Mayroon pang isang issue na sinasabi nilang batayan na ang kasalan sa Baguio ay fake. Hindi raw pinapayagan ng simbahan ang pagkakasal sa labas ng simbahan, hindi raw puwede ang kasal sa chapel lamang, may “matalino” pa silang researcher na nagsasabing iyon daw ay nakasaad sa canon law ng simbahan.

Sa sakramento ng kasal, ang nagkakasundo ay an babae at ang lalaki. Sila ang nagsasagawa ng sakramento, ang pari o ang obispo ay kinatawan lamang ng simbahan at siyang tumatayong saksi lamang para sa simbahan na ang babae at lalaki nga ay nagkakasundong mag-asawa at magsama sa hirap at ginhawa at ginagawa nila ang sumpaang iyan sa harap ng Diyos at ng kanyang bayan.

Ang mahalaga riyan ay ang consent ng babae at lalaki na sila nga ay mag-aasawa na. Hindi mahalaga kung sa isang chapel o sa cathedral pa ang gagawing kasal.

Ewan, basta ang bottomline, mag-asawa na sila kaya sana naman ay tantanan na ang usapin tungkol sa kanila.

Mas maraming kailangang ayusin sa ating kapaligiran lalo na at walang tigil ang pag-ulan.

Male star, sumisingaw na ang pagiging high class prosti

Sumingaw nang lahat ang pagiging call boy ng isang male star. Pero hindi naman maikakailang high class prostitute siya dahil ng pinakamababa raw singil niyan ay P10K sa isang date.

May mga mayayamang bakla na nabobola niyang nagbabayad sa kanya nang mas malaki, kaya naman gabi-gabi ay may pangwalwal siya kasama ng kanyang mga barkada at may naibibigay din siya sa mga katropa nilang type niya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with