^

PSN Opinyon

Mag-asawang naghahalikan o mag-jowang nagsusupsupan?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WALANG masama kung si Lolo hinahalikan ang kanyang­ asawang si Lola sa harap ng kamera, on national television.

Nagpapakita lang na walang kupas ang kanilang pag­mamahalan. Kahit maputi na ang mga buhok nila ‘til death do us part ‘ika nga.

Sa tagal ng panahon nilang magkasama, nagkaanak at nagkaapo na kaya tinawag silang mga lolo at lola. Masa­sabing ideal family.

Maganda at mabuting halimbawa sila bilang mga magulang. Legal na mag-asawa, tanggap ng ating lipunan.

Kaya wala akong makitang kalaswaan kung hinalikan man ni dating Senator Tito Sotto ang kanyang asawang si Helen Gamboa. Walang isyu roon, walang kontrobersiya dahil sila ay mag-asawa.

Doon sa mga walang magawa na naghahanap ng isyu at ginagawa itong isyu, ang labo n’yo! Gusto kasi nila ipa­tawag din ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mag-asawa.

Palibhasa kasi, ipinatawag ng MTRCB ang mga producer ng noontime TV show na Its Showtime, kaya dapat daw pati sina Sen. Sotto at Ms. Helen ipatawag din.

Ipinagkukumpara at inihahalintulad ng ilang mga naka­­tuwad ang kokote ang kanilang halikan doon kay Vice Ganda­ at kanyang asawang si Ion na nagsusupsupan ng kamay.

Sinasaksak ang hintuturo sa kanilang bibig na ayaw nang pakawalan habang ang kanilang mga mata nakatirik o nakapikit sa sobrang sarap. Para bang lasap na lasap  ang sarap ng lasa ng icing ng cake.

Hindi kinukuwestyun dito ang pagsasama ng dalawang­ lalaki. Ang kinukuwestyun ay ‘yung pagsusupsupan nila ng kanilang daliri sa harap mismo ng mga bata at ng mga nanood sa telebisyon. Dito may mali!

Lahat naman tayo nagkakamali. Kung minsan sumosobra dahil walang nakakapansin at walang pumupuna. At kapag hindi pinansin ang bagay na wala sa lugar at hindi tama, baka akala, ayos na, tanggap na ng ating lipunan.

Tapyasan na ang mga arte-arte at pautot para lang mapansin at makapagpapansin sa mga palabas. The word is decorum. Tamang kilos na angkop sa propesyon o larangan.

MTRCB, makiki-Marites lang kami. Kumusta ba ang ginawa ninyong hearing sa Its Showtime noong Lunes?

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with