^

Police Metro

Love, crypto scam hub sa Pasay, sinalakay

Danilo Garcia - Pang-masa
Love, crypto scam hub sa Pasay, sinalakay
Sinalakay ng mga otoridad ang isang gusali sa Pasay City na umano’y nagsasagawa ng cyber scam na kung saan ay pinigil ang mahigit 400 kawani na Pi-noy at nasa 200 ang banyaga tulad ng Chinese at Indian.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nasa 650 na emple­yado ang nakubkob sa isinagawang raid sa cyber­scam hub sa Pasay City, nitong Martes ng gabi ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Pinasok ng mga otoridad ang limang palapag na gusali sa Zamora St., sa Pasay at inabutan ang nasa 650 indibidwal at nasa 400 sa kanila ay mga Pilipino habang ang nalalabi ay mga dayuhan na hinihinalang mga Chinese at Indian nationals.

Inihain ng Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) ang search warrant at nasamsam sa lugar ang 400 units ng mga telepono, at iba pang mga devices na gamit umano sa panggagantso.

Natagpuan din ang mga dokumento na may script para sa love scam at devices sa text blasts.

Sinabi ni Department of Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na ang hub ay nagpapatakbo ng love scams at cryptocurrency scams.

Nakita rin sa mga screen ng mga computer ang pag-uusap ng mga scammer at mga biktimang dayuhan, nang abutan ng mga otoridad.

Kinikilala pa sa ngayon ang mga lider ng sindikato pero hinihinala na mga Chinese national ang nasa likod ng operasyon.

Nakarehistro naman ang kumpanya at may lisensya bilang Philippine offshore gaming operator (POGO), pero front lang ito sa kanilang iligal na gawain.

Ang naturang kumpanya ay mahaharap sa patung-patong na kaso kabilang ang paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with