^

PM Sports

Lady Spikers, Tigresses riot sa SSL semis

Chris Co - Pang-masa
Lady Spikers, Tigresses riot sa SSL semis
Nalansi ni Angeline Poyos ng UST ang dalawang Enderun defenders sa Shakey’s Super League.
SSL

MANILA, Philippines — Umusad sa semis ang reigning UAAP champion De La Salle University at University of Santo Tomas makaraang ilampaso ng mga ito ang kani-kanyang karibal sa 2023 Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals knockout quarterfinals kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Halos hindi pinagpawisan ang Lady Spi­kers nang mabilis nitong dispatsahin ang Mindanao bet Jose Maria College Foundation (JMCF) sa pamamagitan ng 25-18, 25-14, 25-19 desisyon.

Bumandera sa matikas na kamada ng Lady Spikers sina Shevana Laput at Thea Gagate na umarangkada sa opensa at depensa para pamunuan ang La Salle.

Wala pa ring talo ang Lady Spikers sa tatlong laro sa liga.

“Marami pa rin ka­ming dapat ayusin hea­ding into the semis. Ibang labanan na doon,” ani La Salle deputy mentor Noel Orcullo.

Sa kabilang banda, nalusutan ng Golden T­igresses ang NAASCU champion Enderun Colleges sa bendisyon ng 25-13, 25-16, 21-25, 25-14 desisyon.

Nanguna para sa UST si Angeline Poyos na umiskor ng 18 puntos mula sa 12 attacks, dalawang blocks at apat na aces.

Nag-ambag naman si Regina Jurado ng 10 puntos samantalang may siyam na puntos si Athena Abbu at tig-walo sina Xyza Gula, Jonna Perdido at Maribeth Hilongo.

“Ice-credit mo rin ‘yung kalaban mo kasi hindi naman kami ‘yung pinakamagaling na hindi pwedeng matalo kaya nga kami nandito. Ganoon din ‘yung Enderun, trinabaho nila,” ani coach Kungfu Reyes.

Magtutuos ang La Salle at UST sa semis sa Biyernes.

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with