^

Pang Movies

Kasal nina Bea at Dominic inaabangan kung sa Spain gagawin...Nathalie Hart ‘di nagpakabog kina Maine at Maja

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kasal nina Bea at Dominic inaabangan kung sa Spain gagawin...Nathalie Hart ‘di nagpakabog kina Maine at Maja
Dominic Roque proposing to Bea Alonzo.
Dominic Roque via Instagram

May pressure na kaya sa susunod na ikakasal sa showbiz matapos ang pag-iisang dibdib nina Arjo Atayde and Maine Mendoza, Maja Salvador and Rambo Nunez and Nathalie Hart sa kanyang non-showbiz fiance.

Ang ganda ng mga nasabing kasalan. Lahat destination wedding.

Sa Baguio, Bali and Australia.

Si Bea Alonzo ang bagong engaged kay Dominic Roque pero wala pa silang binibigay na detalye.

Anyway, kahapon nga kinasal na sina Maja at Rambo sa Bali.

Maraming bumiyaheng friends ng actress like John Lloyd Cruz, Kathryn Bernardo, Janella Salvador, Maine Mendoza, among others.

Pero mukhang ngarag ang face ni Maja sa ibang naglabasang photos kahapon. Though ang ganda niya sa simpleng ayos.

Samantala, ikinasal naman sexy actress na si Nathalie Hart sa kanyang Australian fiancé na si Brad Robert.

Walang sabi-sabi, wedding photos na agad ang ini-upload ni Nathalie.

Ginanap ang kasalan sa Australia.

“Still can’t believe it,” ang maiksing caption niya sa kanilang wedding photos na ini-upload niya.

Nauna nang binanggit ni Nathalie sa kanyang interview na natuto na siya sa mga nakaraan niyang pagkakamali.

Aniya, hindi naman kailangang sabihin ang lahat ng bagay sa kanyang buhay sa social media.

“At the end of the day, I’ve learned to really take a step back and wait,” aniya sa isang previous interview.

At naniniwala siya na kung para sa kanya, sa kanya talaga.

At naganap na nga ang kasalan.

Sabi nga ni Nathalie, second chapter na ito ng kanyang life.

“Robert is Australian and I met him sa church,” say ni Nathalie pagkatapos nitong mag-propose last year.

Fans nina Vice at Ion, hindi pumabor sa ginawa ng MTRCB

May mga pumalag sa ginawang pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa It’s Showtime kahapon.

Ayon nga sa inilabas na statement ng MTRCB “Nag-issue ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Notice to Appear at Testify sa Producers ng noontime variety show “It’s Showtime” bunsod ng patong-patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa mga eksena na nagpakita ng diumano’y indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng show na ipinalabas noong ika-25 ng Hulyo 2023 sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11.

“Ang naturang eksena ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986.”

Kahapon naganap ang nasabing paglilitis pero habang sinusulat namin ito wala kaming nabasang resulta.

Kinumpara ng fans ng programa ang eksena sa isang commercial ng cake na madalas daw na ipinakikitang nasasarapan ang nage-endorse at sinusubo ang icing.

Ganun diumano ang naging basehan ng nasabing imbestigasyon ng MTRCB sa mag-jowa.

Ganundin daw kaya ang magiging reaction ng MTRCB kung babae at lalaki ang nagsu­buan ng nasabing icing ng cake on national television?

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with