^

Probinsiya

Ginang pinasok, kinatay ng kawatan

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Ginang pinasok, kinatay ng kawatan
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Floradel Ucab De Mesa, 39-anyos, tubong Masbate.
STAR/File

BAGUIO CITY , Philippines — Patay na at naliligo sa kanyang sariling dugo ang isang ginang nang matagpuan sa loob ng kanilang tahanan na hinihinalang pinasok ng isang magnanakaw sa lungsod na ito nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Floradel Ucab De Mesa, 39-anyos, tubong Masbate.

Ang biktima ay natagpuan ng kanyang anak sa kanilang bahay sa Purok 8, Sampaguita Site, San Luis Extension, San Luis, ng nasabing lungsod.

Ang pag kakadiskubre sa biktima ay inireport sa mga pulis ng Station 1 dakong alas-6 ng umaga ng nasabing araw.

Ayon kay Baguio City Police Station 1 commander Major Dencio Dayao, matapos na dumating ang anak ng biktima sa kanilang bahay mula sa ospital, nakita niya ang ina na naliligo na sa dugo at tadtad ng saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawawala na ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng P100,000 kabilang ang pera sa loob ng kanyang piggy bank o alkansya.

Lumalabas na kasama ng biktima ang kanyang 3-anyos na anak nang maganap ang insidente subalit iniwan ang bata na hindi nasaktan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with