^

PM Sports

Gilas Pilipinas mapapalaban sa Iran

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapalaban ang Gilas Pilipinas sa unang pagsalang nito dahil makakasagupa nito ang Iran sa pagsisimula ng 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament ngayong araw sa Guangdong, China.

Bangas ang lineup ng Gilas Pilipinas dahil wala ang key players nito.

Hindi makalalaro sina Utah Jazz star Jordan Clarkson, Kai Sotto at reigning PBA MVP Scottie Thompson.

Kaya naman nakasalalay ang lahat sa mga beteranong miyembro ng pool sa pangunguna nina dating PBA MVP June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.

Direktang tutungo sa Maynila si Clarkson mula sa Los Angeles sa susunod na linggo habang nagpapagaling pa sa back injury ang 7-foot-3 na si Sotto.

May injury din si Thompson kaya’t hindi ito nakasama sa China pocket tournament.

Pagdating sa China, agad na sumalang ang Gilas Pilipinas sa ensayo sa Heyuan Sports gymnasium na siya ring magiging venue ng torneo.

Bukod sa Iran, makakaharap ng Gilas Pilipinas sa pocket tournament ang Senegal — ang koponang tinalo ng Pinoy squad noong 2014 FIBA World Cup sa Seville, Spain via 81-79 overtime win.

Sa naturang panalo, bahagi sina Fajardo at Aguilar ng Gilas squad.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Senegal sa Biyernes.

Bago umalis sa Maynila, umiwas na si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na magkomento pa tungkol sa estado ni Sotto sa koponan.

Itinuro nito si Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio sa makakasagot nito.

“I think that’s better, a question asked of him, but I refused to comment on it anymore. The best person to ask is team manager Butch Antonio. He’s the one in negotiation with their camp,” ani Reyes.

Naniniwala si Gilas Pilipinas player Kiefer Ravena na gusto ni Sotto na maglaro para sa Pilipinas.

“He alone knows what his body is going through. Whether he tries to play or not, but we know the kid is willing to play for the Philippines,” ani Ravena.

 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with