^

Pang Movies

Gerald, pinagpo-propose na kay Julia!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gerald, pinagpo-propose na kay Julia!
Julia at Gerald

Sa Hong Kong naglalambingan sina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Parang nagre-relax ang magkarelasyon.

Pero mas gustong malaman ng kanilang followers kung magpo-propose na ba si Gerald sa aktres.

Siyempre, nire-relate nila ito sa engegement nina Dominic Roque and Bea Alonzo.

Sabagay mas bata naman si Julia, 26 years old, habang si Bea ay 35 years old na at kailangan nang maghabol sa last trip.

Inaabangan din ang kasal nina former Miss Universe Catriona Gray at Sam Milby.

Ivana at Andrea patalbugan ang katawan, pero walang jowa!

Dahil yata walang tigil ang ulan kaya naisipan ni Ivana Alawi na mag-upload ng pampainit na picture.

‘The lake’ and ‘happy soul’ lang ang kanyang caption sa magkasunod na post.

Kasi naman parang galit ang langit dahil matindi ang pag-ulan na apektado na ang maraming bayan.

Actually hindi lang naman si Ivana ang nag-post ng pampainit.

Ganundin si Andrea Torres. “Dropping a little sunshine in your feed,” sa photo na lutang ang kanyang kurba sa katawan.

Bukod sa kanilang perfect body shape, walang inaaming official jowa sina Ivana and Andrea.

FPJ maghahari, DongYan eeksena sa Cinema One!

Balikan ang ilan sa kilalang pelikula ni Da King Fernando Poe Jr. sa FPJ: Hari ng Pinoy Cinema na mapapanood sa Cinema One tuwing Linggo ngayong Agosto, 11 a.m.

Saksihan si FPJ bilang ang masipag na si Alfredo sa Sigaw ng Katarungan (Ago. 6), matapang na Lawin sa Ang Alamat ng Lawin (Ago. 13), matikas na Panday sa Ang Panday (Ago. 20), at matinik na assassin na si Emong sa Ang Padrino (Ago. 27).

Maghahatid naman ng iba’t ibang emosyon ang mga reyna ng Philippine drama ngayong buwan. Tunghayan ang kwento ng Madrasta ni Sharon Cuneta (Ago. 7), Separada ni Maricel Soriano (Ago. 14), Hindi Nahahati ang Langit ni Dina Bonnevie (Ago. 21), at Hanggang Kailan Kita Mamahalin ni Lorna Tolentino (Ago. 28) na mapapanood sa Monday Drama tuwing 9 p.m.

Samantala, sunud-sunod na regalo ang handog ng Cinema One para sa DongYan fans dahil sa back-to-back na mga pelikula ng power couple. Saksihan ang pagbida ni Dingdong Dantes sa One More Try  (Ago. 1), Segunda Mano (Ago. 2), Bahay ni Lola 2 (Ago. 3), The Unmarried Wife (Ago. 4), at Seven Sundays (Ago. 5) na eere mula Martes hanggang Sabado, 7 p.m.

Tampok din ang mga pelikula ni Marian Rivera na Bahay Kubo (Ago. 7), Pamahiin (Ago. 8), Shake, Rattle, & Roll X (Ago. 9), Kung Fu Divas  (Ago. 10), at Tarot (Ago. 11) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with