^

PSN Palaro

Flying Titans sasabak sa Vietnam

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Flying Titans sasabak sa Vietnam
Babanderahan nina Sisi Rondina (left) at Deanna Wong ang Choco Mucho sa Vietnam tournament.

MANILA, Philippines — Kakatawanin ng Choco Mucho ang Pilipinas sa 2023 Vietnam Television International Women’s Vol­leyball Cup na idaraos sa Agosto 19 hanggang 26 sa Lao Cai, Vietnam.

Kinumpirma ito ng F­lying Titans sa kanilang mga social media account.

Kaya naman nagha­handa na ang Flying Titans dahil matitikas na koponan ang makakaharap nito sa naturang Vietnam tournament.

Galing ang Flying Titans sa seventh place finish sa Premier Volleyball League (PVL) Invitation Confe­rence kamakailan.

Nasiguro ng Choco Mucho ang ikapitong puwesto matapos patumbahin ang Chery Tiggo sa classification round noong Hulyo 22.

Sa Vietnam, makakalaban ng Flying Titans ang iba’t ibang clubs teams at national teams.

Nagkumpirma na ng par­tisipasyon ang mga teams mula sa Japan, Australia, Mongolia, South Korea at host Vietnam.

Pangungunahan ang Flying Titans ni top scorer at outsdie hitter Sisi Rondina kasama sina wing spikers Des Cheng at Kat Tolentino.

Hahataw din sina middle blockers Bea De Leon at Maddie Madayag, playmaker Deanna Wong at libero Denden Lazaro-Revilla.

Hahawakan ang tropa ni head coach Dante Alinsunurin.

Magandang pagkaka­taon ito para mas mahasa ng husto ang Flying Titans lalo pa’t naghahanda ito sa Reinforced Conference na idaraos sa huling bahagi ng taon.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with