^

Punto Mo

EDITORYAL - Tax sa petrolyo suspendihin

Pang-masa
EDITORYAL - Tax sa petrolyo suspendihin

NOONG Martes, nagtaas na naman ang presyo ng diesel, gasoline, kerosene at LPG. Ang diesel ay nagtaas ng P3.50; gasolina, P2.10 at LPG, P4.55 per kilogram. Ito ang ikaapat na sunud-sunod na pagtaas ng petrolyo at ayon sa report, mayroon pang mga susunod na oil price hike dahil sa pagbabawas ng produksiyon ng Saudi Arabia.

Dati, gasolina ang mataas pero ngayon, nabaliktad ang pangyayari dahil mas mataas ang diesel na karaniwang ginagamit ng mga pampasaherong sasakyan gaya ng jeepneys at buses. Umaaray na ang mga driver at operators ng jeepney dahil sa serye ng pagtataas.

Dahil sa paglobo ng presyo ng diesel, hinihiling ng ilang transport groups na magkaroon ng fare increase. Wala na umanong naiuuwi sa pamilya ang mga driver ng jeepney dahil sa pagmahal ng diesel. Sa kasalukuyan, ang minimum na pasahe sa jeepney ay P12.00. Wala pa namang itinatakda ang samahan ng mga jeepney operators at drivers kung magkano ang kanilang hinihiling na increase.

Panawagan naman ng ibang lider ng transport groups na bigyan ng ayuda ang mga driver dahil sa sunud-sunod na oil price hike. Kung hindi raw maipagkakaloob ang hinihiling na fare increase, bigyan ng ayuda ang mga driver. Kawawa naman daw ang mga drayber na wala nang kinikita.

Marami ang apektado ng sunud-sunod na pagtaas ng petrolyo at kung magpapatuloy pa, lalong kawawa ang mga mahihirap. Kasabay sa pagtataas ng gasoline at diesel, tumaas naman ang pasahe sa MRT. Tiyak din na gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, isda, karne, asukal at mga delatang pagkain. Mga mahihirap ang tatamaan ng oil price hike.

Pero mayroon namang magagawa ang pamahalaan para bumaba ang presyo ng petroleum products. Ito ay ang pagsuspende sa excise tax o buwis sa petrolyo. Kung ihihinto ang tax, bababa ang gasoline at diesel.

Nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law) na awtomatikong suspendido ang tax sa petroleum products kapag umabot sa $80 ang bawat bariles ng langis. Sa kasalukuyan, $84 ang bawat bariles ng crude oil. Dapat nang suspendihin ang buwis sapagkat lampas na sa takda ng TRAIN Law ang presyo per barrel ng crude oil.

Suspendihin na ang buwis para mapagaan ang pasanin ng mga nagdarahop na mamamayan. Ito ang tanging remedyo na magagawa sa ngayon.

vuukle comment

OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with