^

True Confessions

Dioscora (161)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA tipo nang pagkakan­dado ng auto shop ay matagal na itong tumigil sa operasyon. Ang kandado ay kinakalawang na dahil naka-exposed sa ulan at init. Bakit hindi man lang niya nalaman na sarado na pala ang dating­ pinagtatrabahuhan. Na­lu­lungkot na pinagmasdan ni JC ang nakasaradong shop na pinagtrabahuhan niya sa loob nang mahigit tatlong taon. Marami siya natutuhan sa shop dahil na rin kay Kuya Dads—ang may-ari ng shop.

Bakit kaya isinara? Kumikita naman ang shop. Noong narito pa siya ay maraming customer.

Siguro’y may nangyari kaya isinara ang shop.

Problema niya kung saan hahanapin si Mulo at si Kuya Dads. Kailangang makausap­ niya ang dalawa—lalo si Mulo.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang lumabas ang isang may edad na lalaki sa gate ng bahay na katabi ng shop.

“Manong, alam mo po ba kung saan lumipat ang may-ari ng shop—si Kuya Dads at ang helper na si Mulo?’’ tanong ni JC.

“Nag-abroad na si Dads—sa Saudi—mga six months na siguro.’’

“Ganun po ba? E si Mulo po, meron ka po bang alam kung nasaan na siya ngayon?’’

“Ang alam ko, malapit lang dito ang bahay ni Mulo. Mga dalawang kalye mula rito. Hindi ako sigurado pero puwede ka namang magtanong dun sa tindahan sa kanto.’’

“Maraming salamat, Manong.’’

“Walang anuman. Ano ang pangalan mo?’’

“JC po.’’

“Sige JC.’’

Umalis na si JC at nagtungo sa itinuro ng lalaki.

Nang magtanong siya sa sari-sari store, nakilala agad ng babaing tindera si Mulo. Itinuro ang bahay.

“’Yung asul na gate—dun nakatira si Mulo.’’

“Salamat po. Nandiyan po kaya siya, Manang?’’

“Nandiyan. Kabibili lang niya ng suka rito kanina.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with