^

True Confessions

Dioscora (160)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“MABAIT si Tatay SP sa akin, Maria. Ma­laki ang tiwala sa akin. Lahat nang kailangan ko ay ibinibigay gaya ng kotse,’’ sabi ni JC.

“E kailan mo kukunin ang kotse, Kuya?’’

“Next week puwede ko nang kunin at gamitin. Kaya kailangan kong ma­kausap si Mulo ngayon para siya ang magda-drive para sa akin.’’

“Hindi ka ba makaka­pag-drive?’’

“Puwede naman kaya lang masyadong marami akong trabaho. Madalas din ang aming meeting. Baka pagod na pagod na ako at hindi na makayang mag-drive.’’

“Sabagay. Tsaka ‘di na bagay sa’yo ang mag-drive dahil big time ka na. Asensadong-asensado ka na, Kuya.’’

“Hindi pa naman ganun kaasenso pero pagnagsikap­ pa ako nang todo, patungo na talaga roon.’’

“Oo Kuya. Nakikita kong aasenso ka nang todo. Mahusay ka kasi at dedicated sa trabaho. Kaya talagang magiging paborito ka ng may-ari ng kompanya. Sino nga uli ang may-ari ng car company, Kuya?’’

“Tatay SP ang tawag sa kanya.’’

“Ano ‘yung SP?’’

“Simon Pedro.’’

“Ah kaya SP.’’

“Napakabait niya, Maria­ —walang kasingbait. Kaya nga hindi ako makapaniwala na ang katulad ni SP ay magagawang magplano nang pagpatay. Wala sa tipo ni Tatay SP na papatay­ ng kapwa gaya nang sinabi sa akin ni Mam Dioscora.’’

Napatangu-tango si Maria.

Makalipas ang ilang segundo, nagtanong ito.

“Ibig mong sabihin Kuya, hindi totoo ang mga sinabi ni Mam sa’yo?’’

“Hula ko lang naman­. Posibleng totoo rin ang sinabi ni Mam. Kaya lang kapag nakaharap mo si Tatay SP, wala kang iisi­ping masama sa kanya.’’

Hindi na nagsalita si Maria.

Umalis na si JC para puntahan si Mulo. Kaila­ngang makausap niya at mapapayag na maging driver niya. Palagay naman ni JC papayag si Mulo.

Nakarating sa shop si JC. Pero nanlumo siya sa­­pagkat sarado na ang talyer. Nakakandado na.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with