^

True Confessions

Dioscora (159)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

PALAGAY ni JC, marami pa siyang malalaman kay Tatay SP at sa anak nito na si Nicodemus. Hindi pa naman tiyak ni JC kung si Nicodemus ang asawa ni Mam Dioscora. Haka-haka lang niya iyon. Baka mayroon pang ibang anak si Tatay SP maliban kay Nicodemus.

Magkakaroon lamang ng linaw ang lahat kung malalaman niya mula kay Mam Dioscora ang pa­ngalan ng asawa nito. Doon lamang siya magkakaroon ng konklusyon.

Pero paano naman niya malalaman ang pa­ngalan ng asawa ni Mam gayung hindi nga niya ito makontak. Hindi rin siya kinokontak ni Mam. Hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Mula nang magtrabaho siya sa kompanya ni Tatay SP ay wala silang komunikasyon.

Nagtataka siya kung bakit hindi lumulutang si Mam gayung dapat ay humingi ito ng update sa pinagagawa sa kanya.

Naisip ni JC, siguro ay sinasadya iyon ni Mam. Hinahayaan na gawin niya ang pinag-uutos at saka lamang lulutang kapag nagawa na niya ang mga ito.

Siguro nga ay ganun ang balak nito.

ISANG araw, nagpa­alam si JC kay Maria.

“Saan ka pupunta Kuya’’

“Sa dati kong pinagtatrabahuhang shop.’’

“Bakit?’’

“Balak kong kuning­ drayber si Mulo—’yung dati kong alalay sa shop.’’

“Bakit? May kotse ka na?’’

“Oo. Bigay ng company.’’

“Yehey may kotse na kami!’’

“Si Mulong ang driver ko—nun pa niya sinabi na kunin ko siya kapag mataas na ang posisyon ko.’’

“Asensado ka na talaga Kuya!’’

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with