^

True Confessions

Dioscora (158)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ang babaing hindi niya malilimutan

Sa pag-iisa ni JC, ang mga napag-usapan nila ni Tatay SP ang naiisip niya. Marami na siyang nalaman ukol sa matanda pero wala pa rin siyang matibay na ebidensiya kung ito nga ang taong itinuturo ni Mam Dioscora na umapi sa kanya at nag-utos para siya pata­yin. Sa himig ng pagkukuwento ni Tatay SP, walang mababakas na mayroon itong ginawang masama sa kapwa. Wala sa itsura ni Tatay SP na magagawa nitong mag-utos para may patayin.

Ang isa lamang sa pi­nagdududahan niya ay ang anak nitong si Nicodemus­. Posibleng si Nicodemus ang asawa ni Mam Dioscora­. May pagkakapareho ang mga sinabi ni Mam at ni Tatay SP na namatay si Nicodemus noong nakaraang taon lang nagkakapareho. At ang isa pa, ay ang tungkol umano sa anak ni Nicodemus. May anak din si Mam Dioscora pero hindi sinabi kung babae o lalaki.

Ang isa sa mga ipinagtataka ni JC ay ang tungkol sa pagkamatay ni Nicodemus na hindi malaman kung ano ang ikinamatay. Masyadong mahiwaga ang buhay ni Nicodemus.

Ano pa kaya ang matutuklasan niya kina Tatay SP at Nicodemus?

(Itutuloy)

vuukle comment

JC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with