^

True Confessions

Dioscora (157)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“GUSTO ko sa ibang bansa na lang ang apo ko para mas maging tahimik ang buhay,”’ sabi ni Tatay SP. “Dun wala siyang magiging problema. Malayo sa kaguluhan.’’

Napatangu-tango na lang si JC sa mga sinabi ni Tatay SP kahit marami siyang katanungan sa matanda. Nagtataka si JC kung bakit hindi binabanggit ni Tatay SP ang asawa ni Nicodemus? Bakit pawang ang apo nito ang kinukuwento. Sabagay baka naman talagang ganun lang si Tatay SP—hindi palakuwento kung tungkol sa ibang tao. Hindi naman niya puwedeng itanong sa matanda kung nasaan ang manugang niya dahil personal na yun.

“Maganda ang apo ko—puwedeng pam-beauty pa­geant,’’ sabi ni Tatay SP na nakangiti. Halatang proud na proud sa apo.’’

“May pinagmanahan po siya kaya maganda, Tatay SP—nagmana po sa iyo.’’

“’Yan ang gusto kong marinig sa’yo Jose Crisanto. Magkakasundo tayo, ha-ha-ha!

Nakitawa rin si JC.

Maya-maya nagpaalam na si Tatay SP.

“Minsan, kapag di ka busy, lumabas tayo Jose Crisanto—para makapagkuwetuhan uli tayo.’’

“Sige po Tatay SP. Sabihin mo lang po sa akin.’’

“Sige. Aalis na ako.’’

Umalis na ang matanda.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with