^

Dr. Love

Condo client na naging lover

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Tawagin na lamang ninyo akong Yahma. Isa po akong sales agent ng condo units sa Manila. Hiwalay ako sa asawa. May anak kami pero hindi sinusustentuhan ng dating mister ko.

Kaya dumiskarte ako para maikayod ang buhay naming mag-ina. Sa ngayon, hindi ko pa kayang bumili ng sariling condo unit, although may mga naiko-close deals naman ako. Maliit pa ang commission ko sa ngayon, kasya lang sa pang-araw-araw na gastos.  

May na meet akong customer na binata, mara-ming pera pero walang asawa. Wala raw siyang matagpuang babae na magkakagusto sa kanya. Binibiro ko nga siya na baka nasa tabi-tabi lang, hindi niya lang napapansin. Bumili siya ng two bedroom. Halos i-cash na niya.

Habang nag-aayos ako ng papeles niya, medyo nagpaparamdam siya sa akin na baka gusto ko raw tumira sa condo unit niya dahil may condo unit naman daw siyang inuuwian malapit sa kanyang opisina. Ilang buwan pa lang, eh gusto na niyang magsama kami. Binata naman daw siya. Wala naman problema sa akin, kaso ayokong may masabi ang iba, lalo na ang mga kamag-anak niya na pera lang ang habol ko sa kanya.

Ano po ang maipapyo ninyo sa akin?

Yahma

Dear Yahma,

Kung hindi ka naman kasal sa ama ng anak mo eh, walang problema. Pero kung kasal ka, kailangan ng legal papers ‘yan para malaya kang makapagdesisyon tungkol sa ino-offer ng mayamang client mo.  Huwag ka pumayag agad.

Pakiramdaman mo rin ang sarili mo kung talagang tanggap mo siya bilang tatay ng anak mo at kung siya ay gunon din para sa inyo. Mahalaga na talagang nagmamahalan kayo.

Huwag kang matakot sa mga sasabihin ng ibang tao. Ang alala-hanin mo ay ang concerns ng anak mo.

Kung sa palagay mo magkakasundo kayo, eh di wow!

Kidding aside ipagdasal mo rin kung siya na nga ang talagang nararapat para sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with