^

PM Sports

Bravo, Attractive Force kakaliskisan sa 4YO Sprint race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghayag ng paglahok ang matitikas na Bravo at Attractive Force sa magaganap na 4-Year-Old & Above Sptint Race na ilalarga sa Metro Turf, Mal­var - Tanauan City, Ba­tangas sa Agosto 20, (Linggo).

Inaasahang mapapahirapan ang Bravo at Attractive Force sa inaasam nilang titulo dahil pang stakes races din ang mga naghayag ng paglahok sa distansyang 1,000 meter race.

Sasakyan ni Jonathan Flores ang Bravo habang si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awar­dee Patty Ramos Dilema ang gagabay sa Attractive Force sa karerang nakalaan ang P1.5M garantisadong premyo na ikakalat sa u­nang anim na kabayong tatawid sa meta.

Ang ibang makiki­pagtagisan ng bilis ay ang Agi Daw, Ambisioso, Gomezian, Gusto Mucho, Life Gets Better, Main Event, Palauig, Stardust at Weather Lang.

Susungkitin ng mana­nalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000, may P150,000 naman ang kukubrahin ng tersero habang tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakasunod.

Hahamigin naman ng breeder ng winning horse ang P75,000 habang tig- P45,000 at P30,000 ang second at third sa event na suportado ng (PHILRACOM).

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with