^

Pang Movies

Boyfriends member Art Ilacad, namatay sa atake sa puso  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Boyfriends member Art Ilacad, namatay sa atake sa puso           
Art Ilacad

Ayaw naming magsisimula sa ganitong kuwento pero hindi mo naman maiwasan. Nakasama namin sa trabaho si Boss Art Ilacad, noon kasing araw ay na-recruit din kaming tumulong sa OctoArts Films at OctoArts Records, ni Tata Orly Ilacad.

Si Boss Art na nakababatang kapatid ni Tata Orly ay isang musician at singer din, kasama siya noon sa grupong Boyfriends, na nakapagpasikat ng napakarami ring kanta.

Nang malaunan naging executive siya ng kanilang film and music company, dahil hindi naman lahat ka­yang harapin ni Tata Orly, more often than not si Boss Art ang humaharap at gumagawa ng desisyon.

Marami rin naman siyang magagandang idea na natutuhan niya dahil sa haba ng panahon niya sa industriya.

Pero kasabihan nga nothing lasts forever. Humina ang industriya ng pelikula at isinara na nila ang Octoarts Films, paminsan-minsan na lang sila kung gumawa ng pelikula, kadalasan ay kung Metro Manila Film Festival kasosyo ni Vic Sotto.

Ang kanilang recording company ay humina rin, dahil hindi na nga uso at ang bentahan ng music ay download na lang sa internet, idagdag mo pa ang talamak na piracy. Noong una ay nakipag-partner sila sa EMI pero mahina rin kaya nang makuha ng Universal ang EMI, ibinenta na rin nila sa kumpanya ang catalogue ng Octoarts.

Nang mapahinga si Boss Art sa entertainment, pinasok niya pati ang real estate na negosyo.

Inatake pala siya sa puso, nagpa-bypass, at ok na kaya pinauwi na siya sa bahay, pero hindi naman maganda ang kanyang pakiramdam, kaya nagdesisyon silang ibalik siya sa ospital.

Sa pagbabalik niya sa ospital ay hindi na siya umabot at noon ngang kamakalawa, July 30, wala na siyang buhay nang dumating sa ospital. Hindi na siya umabot.

Mabait na tao si Boss Art, at siguro nga hindi na niloob ng Diyos na maghirap pa siya sa kanyang karam­daman. Malakas din ang kanyang pananampa­lataya, at ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria at kay Padre Pio.

Ang kanyang mga labi ay nasa Christ the King church sa Acropolis.

Ang aming pakikiramay at panalangin na nawa’y matagpuan niya ang liwanag at kapayapaang walang hanggan sa piling ng Panginoon. 

AlDub nation,tuloy ang ilusyon

May isang bagong salita kaming natutuhan, “cloney.” Iyon ang umuugong na usapan ngayon ng AlDub Nation na nagpipilit na ang pinakasalan ni Arjo Atayde sa Baguio noong July 28 ay hindi si Maine Mendoza kundi isang clone lamang, kaya nga ”cloney” ang kanilang tawag. Ang kasal naman ng dalawa ay tinatawag nilang isang zarzuela. At maging ang TVJ ay tinatawag nila ngayong zarzuelista.

Kasabay ng panawagan nila na i-boycott ang GMA at ang TVJ sa TV5 dahil sa pagkakalat daw ng mga iyon ng maling balita.

Kelan ba matatapos ang ilusyon nilang ‘yan.

Vice at Ion, kinumpara kina Tito at Helen

Bakit daw noong halikan ni Tito Sotto ang asawa niyang si Helen Gamboa sa TVJ sa TV5, walang nagsabing mahalay iyon. Tapos ngayon kumain lang ng icing ng cake sina Vice Ganda at Ion Perez sa It’s Showtime pinatawag na agad ng MTRCB ang manage­ment ng show dahil may mga nagreklamo raw.

Ginagawa na naman iyong gender issue ng mga bakla. Bakit daw ‘yung halikan walang reaksyon tapos iyong kumain lang ng cake sinasabing mahalay na.

Pero ang hindi nila binanggit mag-asawang legal na naghahalikan maski na sa publiko, hindi mahalay dahil mag-asawa naman sila.

Iyong pagkain ng cake nina Ion at Vice ang issue.

Napansin ba ninyo ang expression ng mukha ni Ion habang dinidilaan ang cake sa kanyang daliri?

Nakita rin ba ninyo ang expression ng mukha ni Vice na nagpapakita ng pagnanasa?

Iyon ang dahilan kung bakit umangal ang mara­ming netizens.

Male starlet, kalat na ang kahalayan

May kumalat na bahagi ng isang mahalay na gay series sa internet. Sinabi ng isang male starlet na may nagpadala sa kanya ng kopya noon at inaamin niya, siya ang nasa mahalay na eksena.

May nagtatanong kung bakit naman daw siya pumayag na gumawa nang ganoon kahahalay na eksena at ang nakakatawa, may nagsasabing kulang pa raw  iyon dahil mas wild ang male starlet noong maka-date niya.

Siguro dahil private naman ang kanilang date at walang makakapanood maliban kung ilabas din ng bading ang kanilang ginawang video. Maaari ring mas malaki ang ibinayad niya sa male starlet noong maka-date niya kaysa sa ibinayad doon ng gay indie na ginawa niya.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with