^

Bansa

Bong Go, umayuda sa mga binagyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na nagtungo si Senator Christopher “Bong” Go sa lalawigan ng Cagayan noong Lunes upang alamin ang kalagayan at mamigay ng ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Egay.

Unang binisita ni Go ang mga residente ng Sanchez Mira, Cagayan at kasunod na tinulungan ang mga binagyo sa bayan ng Santa Ana.

“Mga kababayan ko nandito po ako para magbigay ng tulong sa mga apektado ng bagyo,” anang senador na personal na pinangunahan ang relief operations sa mga nasabing komunidad na pinadapa ni “Egay”.

Nangako si Go na magpapatuloy ang kanyang tulong sa mga naapektuhang mamamayan sa abot ng kanyang makakaya.

Ilang probinsya ang inilagay na sa ilalim ng state of calamity dahil sa malawakang pagkamatay at pinsala ng bagyong “Egay” na sinundan ng bagyong “Falcon” at monsoon rains.

“Gaya ng ginagawa ko noon, tuwing may bagyo, sinusubukan ko talagang makabisita dito at makatulong. Noon, sa Aparri at iba pang bayan pa,” ani Go na tiniyak sa mga residente na laging nakahanda ang kanyang opisina sa mga relief effort.

Kaugnay ng pananalasa ng mga bagyo, muling binigyang-diin ni Go na dapat nang itatag ang Department of Disaster Resilience (DDR) upang mapabuti ang kahandaan at kakayahan ng bansa sa pagtugon sa mga dumarating na kalamidad.

Ang kagawarang ito ang magpapabilis sa disaster management upang mas maging produktibo at mahusay ang pagtugon sa mga natural na kalamidad.

Ang panukala ni Go na Senate Bill No. 188 ay layong lumikha ng isang departamento na magbubuklod sa lahat ng kinakailangang tungkulin at responsibilidad na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang ahensya ukol sa usaping may kinalaman sa kalamidad.

Isinusulong din niya ang pagsasabatas sa SBN 193 para magkaroon ng permanente, ligtas at maayos na evacuation centers sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong bansa.

 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with