^

Pang Movies

Bianca, naging favorite i-close up sa Showtime!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bianca, naging favorite i-close up sa Showtime!             
Bianca

Nagpapasalamat si Bianca Umali sa mainit na pagtanggap sa kanya noong nag-opening number siya sa noontime show na It’s Showtime.

Isang sexy dance production number ang ginawa nila Bianca na gamit ang song ni Ariana Grande na Dangerous Woman. Suot niya ay leather crop top, leather shorts, at thigh-high leather boots.
Hindi napigilan ni Vice Ganda na purihin ang pasabog ni Bianca.

“I’m sure madaming madlang people ang naka-appreciate ng prod mo. Ang galing mo and ang ganda mo! Lahat kami happy dito. Hindi lang mga cameramen, kaming mga staff, mga host!”

Napansin din ni Vice na punung-puno rin ng energy ang kanilang cameramen sa studio. Panay raw ang close-up nila kay Bianca habang sumasayaw ito. Hindi raw nila ginagawa iyon sa kanya sa tagal ng pagtrabaho nila sa show. “Parang close na close mo ‘yung mga cameramen. Close-up na close-up! Fourteen years na ako dito, apat lang ang close-up ko. Kasi ‘yung mga cameramen namin inspired kapag nakakakita sila ng maganda. ‘Yung mukha ko, andami nag-resign dahil sa mukha ko. Pero sa mukha mo, andami pumasok nang maaga!”

Sa Instagram ni Bianca, pinost niya ay: “Muchas gracias, Madlang Kapuso @itsshowtimena.” Natuwa rin si Bianca na nakilala niya nang personal sina Vice, Kim Chiu at Vhong Navarro.

Sunud-sunod ang Kapuso stars na nagiging guest sa It’s Showtime at nakiki-madlang pipol sa mga host tulad nina Barbie Forteza, Sanya Lopez at Ken Chan.  

Rachelle Ann, mapapanood sa Pinas

Magbabalik sa Pilipinas ang singer and theater actress na si Rachelle Ann Go sa pagtanghal ng award-winning musical na Hamilton sa Theater @ Solaire on Sept. 17.

In-announce sa Instagram account ng Hamilton International Tour ang muling pagganap ni Rachelle as Eliza Hamilton.

Nakalagay sa caption ay: “Hey, hey, hey, hey. Say hey to Rachelle Ann Go who reprises her role as Eliza for the ‘Hamilton International Tour’!”

Sa pinost na video ni Rachelle, excited sa Asian Premiere ng Hamilton: “Kumusta Pilipinas! Rachelle Ann Go here and I am so excited to reprise my role as Eliza for the Hamilton International Tour. I can’t wait to bring this story back home and to share this amazing expe­rience with you all!”

Unang ginampanan ni Rachelle ang role na Eliza Hamilton sa London’s West End production of Hamilton sa Victoria Palace Theatre in 2017. Dahil sa COVID-19 pandemic, nagsara ang West End at natigil ang pagtanghal ng mara­ming musicals kasama na rito ang Hamilton. Kaya looking forward ang maraming musical theater fans sa international tour ng naturang musical.

 The Asian Premiere of Hamilton will begin in the Philippines at susunod ang Middle Eastern premiere at Etihad Arena, Abu Dhabi, on Jan. 17, 2024.

Sa personal na buhay ni Rachelle, sinilang nito ang second baby nila ng mister na si Martin Spies, na isang baby girl named Sela Teruah, noong March 23. Ang eldest nila na si Lukas ay two years old na.

Taylor Swift, namigay ng $55 million na bonus

Natuwa ang buong production crew na katrabaho ni Taylor Swift sa kanyang Eras Tour dahil namigay ito ng bonus sa kanila na umabot sa $55 million!
Lahat daw ay nabigyan ng additional blessing ng singer mula sa dancers, riggers, sound technicians, catering at marami pang iba na kasama sa tour.

Ni-report ng TMZ na niregaluhan ni Taylor ang truckers ng tour ng tig-$100,000 each. Ito ang mga trucker na nagdadala ng props at kung anu-ano pang kailangan sa stage kung saan man tatanghal ang Eras Tour. Alam daw ni Taylor na may mga pamilya ang mga ito na ilang buwan nilang hindi makikita, kaya tama lang daw na bigyan niya ng magandang compensation ang serbisyo nila sa show.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with