^

Police Metro

Ayuda ibigay sa mga bakwit sa Mayon, sa nalalapit na BSKE

Joy Cantos - Pang-masa
Ayuda ibigay sa mga bakwit sa Mayon, sa nalalapit na BSKE
A general view shows Mayon volcano as it releases white smoke into the air as seen from Legazpi on June 12, 2023.
AFP / Charism Sayat

MANILA, Philippines — Hiling ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na huwag ipagbawal ang ayuda sa mga bakwit ng Mayon sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre ngayong taon.

Tiniyak naman ng Commission on Elections (COMELEC) na aaprubahan nila ang kahilingan dahil sa patuloy pa ang pag-aalburuto ng bulkang Mayon sa nalalapit na halalan.

Sa isang liham noong Hulyo 22, hiniling ni Salceda sa Comelec na ilibre sa pagbabawal ang pagbigay ayuda sa mga bakwit ng Mayon ng mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang huwag namang matigil ang pagbibigay tulong sa mga bakwit.

Tiniyak naman ni COMELEC Chairman George Garcia kay Salceda na aaprubahan nila ang hiling niya sa pulong kamakailan ng House Committee on Electoral­ Reforms, kung saan panauhin ang opisyal ng commission.

Ipinaliwanag ni Salceda na batay sa kanilang karanasan, ang karaniwang tagal ng pananatili ng mga bakwit sa ‘evacuation centers’ ay umaabot sa 45 araw, 90 araw o 110 araw.

Habang sila’y nasa ‘evacuation centers’, kailangan nila ng ayudang pagkain, pagsasanay, ‘cash-for-work programs,’ at iba pang suportang pangkabuhayan dahil nawala nga sa kanila ang mga ito.

vuukle comment

MAYON VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with