^

Kutob

Agosto 1, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang nakaraang suliranin ay maaa-ring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 34, 41 at royal blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang kabaitan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 38, 41 at lavender.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan ang mag-impok para sa kinabukasan. Walang problema sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 23, 38 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Hindi magiging abala subalit maraming mahahalagang gawain ang matatapos. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 21, 37 at jade green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Magpapaimbabaw ang kapusukan, dapat paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 34, 38 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Ano man ang bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 32 at avocado green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Isang kamag-anak ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 18, 41 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 33, 40 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Kailangan ang mag-ingat sa pag-gastos. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 37 at blue agate.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal. Ang tamang asal sa pananalita ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 18, 36 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pang-kaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 16, 31 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong. Sensitibo ang minamahal, kaya sikapin na lawakan ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with